Philippine Air Force (PAF), naghatid ng 1,300 family food packs para sa Catanduanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghatid ang Philippine Air Force gamit ang C-130 aircraft ng karagdagang 1,300 Family Food Packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue, Cebu patungong Virac, Catanduanes Airport noong November 26, 2024.

Agad na ipinamahagi ang mga karagdagang food packs sa mga lubhang naapektuhang bayan ng Catanduanes upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa Super Typhoon “Pepito.” Sa kabuuan, 68,498 FFPs ang naipamahagi sa buong lalawigan para sa mga komunidad na lubos na nasalanta ng bagyo.

Patuloy ang Philippine Air Force sa kanilang pagsisikap na mabilis na maihatid ang tulong sa mga nasalanta. Ang kanilang dedikasyon ay mahalaga sa pag-abot sa mga lugar na malalayong maabot upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga pinaka-nangangailangan. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay

📸DSWD Field Office 5 – Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us