Panukalang palakasin ang pagpapatupad ng 4Ps sa pamamagitan ng parent leaders, lusot na sa komite level sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng House Committee on Poverty Alleviation ang draft substitute bill ng panukalang “An Act strengthening the effective implementation ng of 4Ps through parent Leaders Engagements ang providing funds therefor”.

Sa ginawang pagdinig ng komite sinabi ni Assistant Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Jonathan Clement ‘JC’ Abalos…. mahalaga ang ginagampanan ng parent leaders dahil nagsisilbi silang links sa pagitan ng mga household beneficiary sa mga local government units.

Layon ng House Bill 10388, na pagkalooban ng resources at suporta ang mga parent leader at parent groups upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng anti -poverty flagship program ng DSWD, sa tinatayang 4.4 million na 4Ps beneficiaries.

Nagsagawa na rin ng public hearing ang House Panel kasama ang mga taga Department of Social Welfare and Development sa iba’t ibang bahagi ng bansa, upang malaman ang insights ng mga benepisyaryo particular ang mga parent leaders sa panukalang batas. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us