Nanindigan ang hanay ng mga enliseted personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatalima sila sa panawagan ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr.
Ayon kay AFP Sergeant Major, First Chief Master Sergeant Feliciano Lazo, mananatili silang tapat sa Saligang Batas gayundin sa Chain of Command bilang bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.
Bilang itinuturing na ‘AMA’ ng Enlisted Personnel sa hanay ng AFP, sinabi ni Lazo na mananatili silang propesyunal, non partisan at hindi kailanman magpapagamit sa mga pulitiko.
Ginawa ni Lazo ang pahayag bilang tugon sa panghihikayat sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na gamutin ang anito’y ‘fractured government’ at talikuran na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Paliwanag ni Lazo, marami nang pagkakataon na hindi nagiging maganda ang dulot ng pulitika sa kanila bilang mga sundalo gayundin sa kanilang pamilya. | ulat ni Jaymark Dagala