Ilang bilateral agreement sa pagitan ng UAE at PH sa linya ng ekonomiya, artificial intelligence, at iba pa, nalagdaan sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa UAE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bitbit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang nalagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE), sa pagbabalik ng Pangulo sa bansa, matapos ang produktibong pagbisita dito.

Ilan sa mga kasundung ito ay nasa linya ng energy transition, kultura, legal cooperation, artificial intelligence, at digital economy.

Gayundin ang pagpapaigting ng government activities, visa waiver para sa mga holder ng diplomatic, special, at official passports, at investment cooperation.

“I look forward to the implementation of several bilateral agreements in culture, energy transition, legal cooperation, artificial intelligence and digital economy, the improvement of government activities, visa waiver for holders of diplomatic, special, and official passports, and investment cooperation.” -Pangulong Marcos

Sabi ng Pangulo, looking forward na siya sa paggulong ng mga naselyuhang kasunduan na ito.

Kumpiyansa rin ang Pangulo na magiging matagumpay ang implementasyon ng mga ito.

“I look forward to the implementation of several bilateral agreements in culture, energy transition, legal cooperation, artificial intelligence and digital economy, the improvement of government activities, visa waiver for holders of diplomatic, special, and official passports, and investment cooperation,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us