Pilipinas, kaisa ng Palestine sa pagsusulong ng pang matagalang kapayapaan at pag-unlad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa ang Pilipinas ng buong mundo sa obserbasyon ng International Day of Solidarity with the Palestinian People.

“The Philippines joins the international community in commemorating the International Day of Solidarity with the Palestinian People.” —Pangulong Marcos Jr.

Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nakatindig ang Pilipinas at nakasuporta sa mga mamamayan ng Palestine, sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

“We stand united with the Palestinian people – men, women, and children – in their collective aspiration for an enduring peace and prosperity.” —Pangulong Marcos

Ayon sa Pangulo, lubhang nakababahala ang humanitarian situation sa Gaza at ang tumitindi pang tensyon sa Middle East.

“We are gravely concerned over the catastrophic humanitarian situation in Gaza and the increasing tensions in the Middle East.” —Pangulong Marcos

Hinihikayat ng Pangulo ang lahat ng partido na umiwas na sa mga hakbang na magpapalala pa ng karahasan sa rehiyon, at isulong na lamang ang mapayapang paraan ng pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan sa rehiyon.

“We condemn all attacks against civilians and civilian structures which have resulted in an alarming number of casualties, particularly women and children, and restricted access to food, water, medicine, and other basic needs.” —Pangulong Marcos

Kaugnay nito, nanawagan rin ang Pangulo na tiyakin ang agaran, ligtas, at patuloy na humanitarian access para sa mga nangangailangan.

“Diplomacy remains the cornerstone of achieving lasting peace in the Middle East.” —Pangulong Marcos

Batid aniya ng lahat na ang tensyon sa Middle East, matutugunan lamang sa pamamagitan ng diplomatic engagement, diyalogo, at comprehensive negotiations na naka-angkla sa international law.

“The Philippines extends its full support for all initiatives that are geared towards the revival of the peace process and the achievement of a lasting and just solution to the Middle East conflict. We urge all parties to work towards a peaceful resolution to the conflict, with a view to realizing the two-state solution.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us