Pagmamaliit ni VP Sara Duterte sa LGBTQ community nang tawagin niyang “bakla” ang mga pulis, pinuna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Deputy Minority Leader at Act Teachers Party-list Representative France Castro, na maituturing na pambabastos at pagmamaliit sa LGBTQ community ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa mga pulis kamakailan.

Sa pagdinig ng House Committee on Women and Gender Equality sa draft committee report para sa panukalang mas mabigat na parusa sa mga gender based sexual harassment sa workplaces at educational and training institution, sinabi ni Castro na suportado niya ang naturang hakbang.

Pero ipinanukala nito na idagdag sa draft substitute bill ang “transphobic, homophobic and sexist slurs” bilang isa sa mga violation kasama ng sexual harassment at misogynistic remarks, sa ilalim ng Sec 19-B ng panukalang amyenda sa “Safe Spaces Act”.

Diin ng lady solon, kailangang ipagbawal din ang pagmamaliit at pambabastos sa mga miyembro ng LGTBQ community, Pangmamaliit ni VP Sara Duterte sa LGBTQ community nang tawagin niyang “bakla” ang mga pulis, pinuna ni Castro noong nagalit si VP Sara sa mga pulis na nakunan ng video at inihayag ang katagang ”wag kayong bakla!”

Dagdag pa ng mambabatas, na ang panukalang amyenda sa Safe Spaces act ay long overdue na upang panagutin ng mas mabigat na parusa ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno na sangkot sa sexual harassment at misogynistic act.

Aniya, panahon na itong maisabatas lalo na at galing sa nakaraang administrasyon na talamak ang malaswa, mapangmaliit, mapanginsulto at marahas na mga salita. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us