Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas maraming Pilipino ang kikilala sa potensyal ng tugtuging Pilipino at sa mga mang-aawit ng bansa.
Sa Gintong Parangal sa Malacañang kung saan binigyang pagkilala ang pitong chorale groups na nakapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na umaasa ang Palasyo na sisimulan ng pagkilalang ito, ang pagtangkilik ng mas maraming Pilipino sa sining, awitin, at tugtugin ng bansa.
Pagbibigay diin ng Pangulo, ang musika ng Pilipinas, kasing galing at kasing ganda ng tugtugin ng ibang bansa.
Nakikipagsabayan aniya ito sa international areana.
Ayon sa Pangulo, nakakataba rin ng puso na ang ibang mga bansa, nagugustuhan ang talento ng mga Pilipino.
“And it’s just as good as any music that you can hear anywhere in the world. And that is why this tonight is so important to us. So that people — Filipinos realize, “Hindi magaling talaga kami. Magaling talaga eh. ‘Yan ang music namin at na-appreciate ng buong mundo dahil maganda naman talaga.” -Pangulong Marcos.
Dahil dito, naniniwala ang Pangulo na dapat ay mabigyan ng angkop na pansin at pagkilala na dapat tinatamasa ang talento ng mga indibiwal na bumubuo sa industriyang ito.| ulat ni Racquel Bayan