Pinabulaanan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kaibigan niya drug suspect na si Allan Lim.
Ayon kay Go, galit sila sa droga at galit sila sa mga drug lord kaya naman imposibleng maging kaibigan niya si Lim.
Sa presentasyon kasi ni PDEA Deputy Director for Operations Assistant Secretary Renato Gumban sa pagdinig ng Kamara, tinukoy nito si Go bilang isa sa mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan kay Allan Lim o Lin Weixiong.
Pinahayag pa ng senador na naging iresponsable ang PDEA sa paglalabas ng naturang impormasyon na tinawag niyang malisyoso.
Aniya, maituturing itong illogical attempt for guilt by association.| ulat ni Nimfa Asucncion