Sasalang na ngayong araw sa Bicameral Conference Committee ang ₱6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill.
Sa panig ng Kamara, magiging bahagi ng House contigent sina:
- House Committee on Appropriations commitee Chair Elizaldy Co
- Senior Vice Chair Stella Quimbo
- House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.
- House Deputy Speaker David Suarez
- House Majority Leader Mannix Dalipe
- Rep. Jude Acidre
- Rep. Neptali Gonzales II
- Rep. Jose Aquino II
- Rep. Jill Bongalon
- Rep. Eleandro Jesus Madrona
- Rep. Michael John Duavit
- At House Minority Leader Marcelino Libanan
Inaasahan na paplantsahin sa Bicam ang mga disagreeing provisions ng bersyon ng GAB.
Kasama rin sa matatalakay ang isyu sa AKAP program.
Una nang sinabi ni Bongalon na ilalaban ng Kamara ang pondo ng AKAP dahil malaki naman ang naitututulong nito sa middle income workers na kapos ang kita.
Kaya naman ilalaban aniya nila na mapondohan pa rin ito sa susunod na taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes