Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa gastos sa produksyon ng palay sa bansa para sa taong 2023.
Sa tala ng PSA, umabot sa ₱13.38 kada kilo ang average na production cost ng palay noong 2023 na mas mababa kumpara sa ₱14.98 per kilogram noong 2022.
Sa mga rehiyon sa bansa, sa Central Luzon naitala ang pinakamababang production cost na aabot sa ₱11.60 kada kilo habang pinakamataas naman sa Central Visayas na nasa ₱18.70 per kilogram.
Kaugnay nito, aabot din sa ₱55,814 kada ektarya ang karaniwang gastos sa produksyon ng palay sa bansa noong 2023.
Habang ang average na kita naman mula sa produksyon ng palay noong 2023 ay ₱27,033 kada ektarya kung saan pinakamataas ang naitala rin sa Central Luzon habang pinakamababa sa Northern Mindanao. | ulat ni Merry Ann Bastasa