Hawak na ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang Pilipinong sangkot sa bilyong pisong investment scam
Ito’y matapos maaresto ng pinagsanib na puwersa ng CIDG at ng Indonesian Police sa Bali, Indonesia kahapon, November 27.
Ayon kay CIDG Director, PBGen. Nicolas Torre III, nasukol ang suspek na kinilalang si Hector Pantollana na may patong-patong na warrant of arrest ng syndicated estafa at swindling sa Pilipinas.
Dinakip si Pantollana sa Guti Ngurah International Airport sa Bali, Indonesia habang papasakay ng eroplano patungo sanang Hong Kong.
Si Pantollana ay may outstanding Red Notice mula sa International Police dahil sa kaniyang mga kasong kinahaharap partkular na ang paglabag sa Republic Act (RA) 8799 o ang Securities Regulation Code.
Dumating si Pantollana kaninang umaga mula sa Indonesia upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya rito sa bansa. | via Jaymark Dagala