Itinanggi ng Police Regional Office 11 (PRO 11) na may kinalaman sa pulitika ang paglipat ng 65 na kapulisan sa ibang rehiyon.
Sa isinagawang Davao Peace and Security Press Corps Media Briefing sa The Royal Mandaya Hotel, sinabi ni PRO 11 Spokesperson Maj. Catherine dela Rey na ang paglipat ng nasabing kapulisan ay normal lamang sa kanilang organisasyon.
Ayon kay dela Rey, matagal na itong request ng PRO 11 para sa isinagawang imbestigasyon hinggil sa alegasyong patayan dahil sa anti-illegal drugs operation.
Paliwanag nito, nagkataon lamang na lumabas ang order sa nangyaring hidwaan ng dalawang matataas na lider.
Dagdag ng opisyal na walang dapat ikabahala dahil wala rin itong epekto sa mga security measures na kanilang ipinatutupad sa Davao Region. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao