Humihingi ng sama-samang panalangin si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula upang maghilom ang girian sa politika ng mga lider ng bansa.
Sinabi ng Cardinal, ang tumitinding tension sa politika ay hindi makakatulong sa mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo.
Ang sama-sama, aniya, na panalangin ay mabisang paraan upang hindi magkahati-hati ang mga lider ng pamahalaan.
Umaapela din siya sa iba’t ibang lider ng bawat komunidad na makiisa sa pagdarasal upang humupa ang tensyon sa politika.
Ginawa ni Cardinal Advincula ang panawagan na sama-samang panalangin upang haplusin ang puso ng mga namumuo sa bansa at iwaksi ang galit o poot. | ulat ni Mike Rogas