Magkakasa na rin ang Department of Agriculture ng bakunahan sa mga lugar na walang aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF) para mapabilis ang nationwide rollout ng controlled vaccination.
Sa bisa ito ng Administrative Order No. 13 kung saan tuturukan na rin ang mga red zone o lugar na 40 araw nang walang naitatalang ASF, at pink zones na walang ASF ngunit katabi ng lugar na infected ng sakit.
Ayon sa DA, partikular na tuturukan dito ang mga grower na baboy na apat na linggo ang gulang pataas at may maayos na kalusugan.
Layon nitong mahikayat ang mas maraming farm na lumahok sa controlled vaccination program ng gobyerno.
Mahalaga ito para agarang matukoy ang vaccine efficacy, at sa proseso ng pag-apruba ng commercialization ng bakuna.
Bukod dito, padadaliin din ang requirements para sa mga farm na nais sumali sa vaccination program. | ulat ni Merry Ann Bastasa