Magkatuwang ang National Economic and Development Authority (NEDA) at United Nations Development Programme (UNDP) sa pagpapalakas ng kultura ng evaluation sa government institutions.
Sa pamamagitan ito ng isinagawang Training of Trainers on Basic Evaluation, na layong palakasin ang kanilang mga hakbang sa pagbalangkas at pagtimbang sa mga angkop na polisiya at programa para sa ekonomiya.
Bukod sa UNDP, katuwang din ng NEDA sa nasabing pagsasanay ang Department of Foreign Affairs and Trade ng Australia.
Dito inilunsad ang mga bagong module na layong pataasin ang kakayahan sa pagdedisenyo, pagpaplano, pagkuha at pamamahala sa evaluation studies.
Aabot sa 34 participants ang nakakumpleto ng 3 araw na training program. | ulat ni Jaymark Dagala