Pinangunahan ni Dr. Sangkula Laja, Integrated Provincial Health Officer II ng Datu Halun Sakilan Memorial Hospital, ang ribbon cutting ng hemodialysis center sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon kay Dr. Laja, ito ay may walong yunit ng dialysis machine; apat mula sa pambansang pamahalaan at apat naman ay donasyon ng pamahalaang panlalawigan. Aniya, ito ay madadagdagan pa ng walong yunit mula sa Ministry of Health BARMM.
Inihayag ni Dr. Abdulla ang kahalagahan ng pagkakaroon ng hemodialysis center sa lalawigan dahil umano ang chronic kidney disease ay ikalimang sanhi ng kamatayan sa bansa.
Inaasahan na sa susunod na taon ay maumpisahan ang operasyon nito dahil sa kasalukuyan ay ongoing ang evaluation ng Ministry of Health Regulation Licensing and Enforcement Division upang matukoy kung ito ay naaayon sa umiiral na mga pamantayan ng nasabing center bago ito bigyan ng lisensya upang mag-operate. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi