Tiwala sina Sen. Grace Poe at Sen. Christopher ‘Bong’ Go na mananatiling propesyonal ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa gitna ng nangyayaring tensyon ngayon sa pulitika sa bansa.
Ito ay sa gitna na rin ng panawagan ng ilan na makialam na ang militar sa sitwasyon.
Giit ni Poe, dapat tandaang may sinumpaang tungkulin ang AFP na itaguyod kung ano ang nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas at protektahan ang bansa at ang sambayanang Pilipino.
Mismong ang mga nasa Sandatahang Lakas na aniya ang nagsabi na dapat manatiling tapat sa Saligang Batas.
Sinabi pa ng mambabatas na hangga’t walang banta ay mananatili silang ‘apolitical’.
Ipinahayag naman ni Go na alam naman ng militar ang kanilang trabaho at responsibilidad sa ilalim ng saligang batas. | ulat ni Nimfa Asuncion