Personal na tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang nasa ₱11-milyong halaga ng makabagong kagamitan mula sa PNP Foundation Incorporated.
Pinangunahan ni PNP Foundation Inc. President at dating Senador Panfilo Lacson ang turnover ng mga bagong desktop computer, printers, CCTV systems, at iba pa.
Kasama rin sa ibinigay na donasyon ang mga bulletproof vest na magagamit sa mga ikakasang operasyon ng Pulisya.
Ayon kay Marbil, sa pammagitan nito, mapalalakas pang lalo ng PNP ang logistical at operational performance sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. | ulat ni Jaymark Dagala