Moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga guro at school personnel na apektado ng mga nagdaang kalamidad, inihirit ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihirit ng Department of Education (DepEd) sa mga pribadong financial institutions na huwag munang singilin sa pagkakautang ang mga guro at non-teaching personnel na apektado ng magkakasunod na kalamidad.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon nito na matulungan ang mga guro at school personnel na makabangon mula sa epektong dulot sa kanila ng mga nagdaang bagyo.

Batay sa liham na ipinadala ni Angara sa mga financial institution, hiniling nito ang tatlong buwang moratorium sa paniningil ng pautang o loan, simula Enero hanggang Marso ng susunod na taon.

Sakaling pagbigyan, inaasang magsisimula ang pagbabayad ng mga ito ng kanilang utang pagsapit ng Abril 2025.

Kasabay nito, hiniling din ni Angara sa Government Service Insurance System (GSIS), na mapatupad din ng kahalintulad na moratorium para sa mga kawani ng kagawaran.

Nakipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Bangko Sentral ng Pilipinas, para ituring na non-performing ang mga inihaing loan ng mga Public School Teacher at Personnel mula Disyembre 2024 hanggang Marso 2025.

Moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga guro at school personnel na apektado ng mga nagdaang kalamidad, inihirit ng DepED. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us