Nagsilbing malaking karangalan para sa Pilipinas ang pagkapanalo ng apat na prestihiyosong titulo sa katatapos lamang na Grand Final Gala Ceremony para sa 2024 World Travel Awards na ginanap sa Madeira, Portugal.
Sa kaganapan, itinanghal ang Pilipinas bilang World’s Leading Dive Destination sa ika-anim na magkakasunod na taon, habang kinilala rin ang Maynila bilang World’s Leading City Destination sa ikalawang beses. Samantala, ang Boracay ay hinirang na World’s Leading Luxury Island Destination, na nagpapatunay ng kagandahan at high-end offerings sa isla.
Bukod dito, nakamit din ng Department of Tourism (DOT) sa unang pagkakataon ang titulo bilang World’s Leading Tourist Board, isang pagkilala sa kanilang tagumpay sa pagpapalaganap ng turismo ng bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang mga tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng gobyerno at pribadong sektor sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na patuloy na itinutulak ang sustainable at inclusive tourism development.| ulat ni EJ Lazaro