Ipinagdiriwang ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang 2024 Philippine World AIDS Day sa Pasig City.
Idinadaos ang aktibidad taon-taon tuwing Disyembre 1 na layong itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa HIV at AIDS Pandemic.
Gayundin ang pagpapakita ng suporta sa mga taong may sakit na HIV.
Bahagi ng selebrasyon ngayong araw ang dalawang kilometrong “World AIDS Day Walk” sa Emerald Avenue, Ortigas Center sa lungsod.
Target ang 1,000 participants ang makikiisa sa AIDS Walk mula sa DOH, Philippine National AIDS Council, iba pang National Government Agencies, LGUs, International Organizations and Partners, Civil Society Organizations at iba pa.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni DOH Secretary Teodoro Herbosa at iba pang opisyal.
Kasabay nito, pormal ding ilulunsad ngayong araw ang Undetectable = Untransmittable o U=U Campaign sa Pilipinas.
Ito’y isang mahalagang strategy para sa HIV Prevention at isang Global Health Campaign na pinangunahan ng komunidad.| ulat ni Rey Ferrer