Nagbukas ang International Criminal Court (ICC) ng isang portal sa kanilang website para sa mga nais magsumite ng mga impormasyon na may kinalaman sa nakaraang war on drugs ng Duterte administration.
Ito ang inanunsyo ni Kristina Conti, ang ICC Assistant to Counsel at isa sa mga aktibong tumutulong sa mga biktima ng extra Judicial killings (EJK) sa Pilipinas ng nakaraang administrasyon.
Sinabi ni Conti, ang bagong portal na ito ng ICC Witness Appeal ay available sa pamamagitan ng link na appeals.icc-cpi.int.
Sinumang mayroong credible information ay maaaring magpadala sa nasabing portal at ito ay mananatiling confidential.
Ang mga magpapadala ay agad tatawagan ng prosecutor upang beripikahin ang mga isinumite na impormasyon. | ulat ni Mike Rogas
📸 ICC