Muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato na iparehistro ang kanilang mga gagamiting online campaign platforms.
Ayon sa COMELEC, mayroong hanggang December 13 ang mga kandidato para ito ay iparehistro.
Muling nagbabala ang Komisyon na posibleng maharap sa election offense na may parusang disqualification ang sinumang hindi iparehistro ang mga online campaign platforms.
Ginawa ng COMELEC ang ganitong hakbang upang maiwasan ang paggamit sa mga artificial intelligence, Deepfake, at iba pang maaaring gamitin sa kampanya. | ulat ni Mike Rogas