DSWD, binalaan ang publiko sa mga kumakalat na umano’y Christmas gift kapalit ng survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko kaugnay sa panibagong online scam na ginagamit na naman ang pangalan ng ahensya.

Kaugnay ito ng kumakalat na online link na nagsasabing makatatanggap ng Christmas gift na nagkakahalagang ₱7,000 mula sa DSWD ang sinumang sasagot sa isang survey questionnaire.

Giit ng ahensya, hindi sila dapat na magpaloko dito dahil ito wala itong katotohanan.

Pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat at huwag magpalinlang sa mga posts o link na hindi mula sa opisyal na Facebook page ng DSWD upang maiwasang mabiktima ng scam.

Kaugnay nito, hinikayat din ang sinumang makakita ng mga kahina-hinalang post o mensahe na agad itong i-report sa official communication channels ng DSWD. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us