Full implementation ng eFiling Guidelines sa mga civil cases, epektibo na — SC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na kahapon, December 1, ng Korte Suprema ang pagpapatupad sa electronic filing o eFiling Guidelines sa lahat ng mga trial courts para sa mga civil cases. 

Ayon sa Supreme Court, ito ay para mas mabilis ang proseso at mapapadali ang komunikasyon sa magkabilang partido.

Sa ilalim ng Guidelines at Rule 13-A ng Rules of Civil Procedure, ang filing at service of non-initiatory pleadings ay gagawin lamang sa pagpapadala o pagsusumite sa digital file format sa pamamagitan ng email.

Pero ang mga Complaints at initiatory pleadings ay isasampa ng personal sa mga korte habang ang pagpapadala ng kopya ng reklamo ay ipapadala pa rin sa mga registered mail, o kaya ay mga accredited courier. 

Pero hindi rin ito maaaring dinggin ng korte hanggat hindi naipapadala ng complainant ang digital copy sa pamamagitan ng email sa loob ng 24-hours mula sa pagkakasampa nito.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us