Surigao solon, muling nanawagan para sa pagtatayo ng EDCA site sa lalawigan kasunod ng presensya ng 3 barko ng China sa eastern seaboard ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling binatikos ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang panghihimasok ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Ito’y matapos iulat ng Philippine Coast Guard ang presensya ng tatlong barko ng China na –Xiang Yang Hong 3, Jia Geng at Xiang Yang Hong 10 – sa loob ng 200 mile exclusive economic zone ng bansa sa bahagi ng Siargao Island at Davao Oriental nitong nakaraang linggo.

Giit ni Barbers, isa ito sa mga dahilan kung bakit niya hiniling sa pamahalaan na ikonsidera ang paglalagay ng EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) naval site sa kanilang probinsya.

May bentahe aniya ang kanilang probinsya na nakaharap sa dagat pasipiko at may daan din papunta ng West Philippine Sea.

“Ang China government, sa pamamagitan ng kanila mga barko, sa palagay ko, ay merong malalim na dahilan kung bakit sabay-sabay na nanghihimasok sa isang partikular na area, tulad ng ginagawa nila sa aming probinsya. At sila ay walang clearance sa ating pamahalaan na pumasok sa ating EEZ,” ani Barbers.

Bagamat kinokonsidera aniya ng DND ang paglalagay ng EDCA site sa Casiguran sa Aurora, hindi aniya ito sasapat para bantayan ang eastern seaboard ng bansa.

“While the Defense Department under Secretary Gibo Teodoro considers the Casiguran EDCA site to be playing an important role in guarding the country’s eastern seaboard, I think it’s not sufficient enough. We need another EDCA naval site in Surigao del Norte to cover and protect the vast eastern seaboard from drug smugglers and foreign intruders,” dagdag niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us