Ready-to-eat food packs, nakatakdang ilunsad ng DSWD ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilulunsad na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ready-to-eat food (RTEF) packs na pinakabago nitong inisyatibo sa pagtitiyak ng food security sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) Assistant Secretary Irene Dumlao, kasama ito sa sentro ng aktibidad sa SMX Convention Center, Mall of Asia complex sa Pasay City ngayong araw.

Ang mga ready-to-eat food packs ay naglalaman ng pre-cooked meals na magiging bahagi na ng relief items ng ahensya at ipapamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan ng anumang kalamidad.

Mahalaga aniya ito para punan ang pangangailanagn sa pagkain lalo na sa mga lugar na labis na napinsala ng kalamidad.

Katuwang naman ng DSWD sa pagbuo ng naturang instant meals ang Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

“The DSWD collaborated with the Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) to create ready to eat meals to fill the critical gap when traditional cooking facilities or utensils are limited or unavailable in disaster affected areas,” ani Asst. Secretary Dumlao.

Bukod naman sa RTEF launching, magdadaos din ang DSWD ng national convention sa Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us