Ilang magle-lechon sa La Loma, umaasa sa mas magandang bentahan ngayong Christmas season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang paggalaw sa presyo ng ibinebentang lechon sa bahagi ng La Loma sa Quezon City sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Ayon kay Mang Jonjon, staff ng Mang Tony’s Lechon House dito sa La Loma, nananatili pa rin ang presyuhan nila sa lechon na mabibili sa:

₱6,500 – 5-6kgs
₱8,000 – 8-10 kgs
₱12,000 – 11-12kgs

Mayroon ding available na tingi ng lechon na mabibili sa ₱1,200 kada kilo.

Umaasa naman ang mga maglelechon na tumaas pa ang demand sa lechon sa mga susunod na linggo sa pagsisimula na rin ng kaliwa’t kanang Christmas parties.

Sa ngayon kasi ay matumal pa aniya ang bentahan.

Nananatili ring hamon sa mga nagle-lechon ang suplay ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Pagdating sa presyo, posible naman aniyang sa ikalawang linggo pa ng Disyembre magsimulang sumipa ang presyo ng lechon sa La Loma, QC. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us