PNP, iginiit na walang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad sa kabila ng ingay politika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling normal ang sitwasyon at walang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad.

Ito’y ayon sa PNP sa kabila ng kaliwa’t kanang ingay politikang bumabalot ngayon sa bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, patuloy ang pangangalap nila ng impormasyon sa pamamagitan ng pinaigting na intelligence gathering.

Tuloy-tuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba pang law enforcement agencies gayundin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para tiyaking mapayapa ang bansa.

Giit pa ni Fajardo, hindi papayagan ng PNP ang sinumang indibidwal o grupo na magsasagawa ng aksyon na lalabag sa mga umiiral na batas.

Nanawagan naman ang PNP sa publiko na maging mapagmatyag at mapanuri sa mga nababasa o di kaya’y napapanood lalo na sa social media hinggil sa kasalukuyang estado ng politika sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us