Ikinalugod ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang mabilis na pag-apruba ng House Committee on Appropriations sa panukalang Private Basic Education Voucher Program.
Layon nitong amyendahan ang E-GATSPE Law upang mabigyan din ng vouchers ang mga mag-aaral sa kindergarten, elementarya, at sekondarya sa mga private basic education schools.
Ayon kay Salo na isa sa pangunahing may akda ng panukala, gaya nang hindi basehan sa Universal Health Care kung pribado o pampubliko ang pasilidad, ganito rin aniya dapat ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.
“The ultimate goal of education is educated and empowered citizenry. It should not matter whether learning takes place in a public or private school. The government’s role is to ensure that every Filipino, regardless of background, has access to quality education. This is no different from Universal Health Care, where the focus is on healthy Filipinos, not the type of facility where care is received,” sabi ni Salo.
Sinabi pa ng mambabatas na matagal nang katuwang ng pamahalaan ang mga pribadong eskuwelahan sa pagtugon sa gaps sa Philippine education system.
Katunayan 25% ng mga mag-aaral aniya sa buong bansa, partikular sa mga walang pampublikong paaralan ay nasa private schools.
Layon din tugunan ng programa ang pagkakaiba sa sweldo ng mga guro sa pampubliko at pribadong eskuwelahan sa pamamagitan ng Teachers’ Salary Subsidy Fund at pagbibigay access sa scholarships, in-service training fund, at government-funded training programs.
“This bill is not just about funding; it is about strengthening the entire education system. Public and private education systems are not competitors but complementary partners. Together, they build a resilient educational landscape that prepares our children for the future,” sabi pa ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes