Hindi muna matatalakay ang wage increase sa mga manggagawa sa Region 5 ngayong December 2024.
Ito’y matapos hilingin ng grupo ng mga manggagawa sa Bicol Region bilang tulong sa mga employers na naapektuhan ng magkaka sunod na bagyo.
Ayon kay Labor Sec. Buenvenido Laguesma, pansamantalang hindi matatalakay ang wage increase habang bumabangon ang mga Bicolano mula sa epekto ng kalamidad.
Pero ito ay pansamantala lamang dahil posibleng bumalik rin sa mga susunod na buwan sa pagtalakay ang Regional Wage Tripartite and Productivity Board para sa wage increase.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang Kalihim kung magkano ang posibleng matalakay na dagdag sweldo dahil ito ay dadaan pa sa pag-aaral ng Wage Board. | ulat ni Michael Rogas