MOU ng PH at UAE sa energy sector, malaki ang magiging ambag sa bansa — Sec. Lotilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si Energy Secretary Raphael Lotilla na malaki ang maiaambag ng naging Memorandum of Understanding (MOU) ng ating bansa sa United Arab Emirates (UAE) para sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa sa sektor ng enerhiya.

Aniya, isang malaking kapakinabangan ito lalo na’t isa ang naturang bansa sa may pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya sa buong mundo.

Dagdag pa ng kalihim, kabilang sa naturang MOU ay ang joint cooperation mula sa renewable energy Liquified Natural Gas power generation transmission, at energy conservation and efficiency at joint cooperation sa nuclear energy.

Sa huli, muli namang siniguro ng DOE na malaki ang magiging kapakinabangan ito sa ating bansa, at mas mararamdaman ito ng bawat mamayang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us