Magkakaibang detalye sa testimonya ng umano’y Pharmally Queen na si Rose Nono Lin, pinuna sa Quad Comm hearing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuna ni Quezon City Representative PM Vargas ang aniya’y pagsisinungaling sa Quad Committee ng tinaguriang Pharmally Queen na si Rose Nono Lin.

Tinukoy ni Vargas ang mga hindi magkakatugmang pahayag ni Lin nang humarap ito sa komite, at maging nang siya ay humarap noon sa Senado.

Isa na rito ang kaniyang pahayag under oath na 2009 lang niya nakilala si Wei Xiong Lin, na may alyas na Allan Lim.

Ngunit sa isang public post ng kanila aniyang anak, malinaw na nalagay sa birth certificate niya na ipinanganak siya ng 2004.

Ibig sabihin, bago pa ang 2009 ay magkakilala na si Rose Nono Lin at si Wie Xiong Lin o alyas Allan Lim.

Naniniwala si Vargas na ito ang naratibong inihayag ni Lin para makaiwas na madawit sa drug case ng asawa noong 2000.

Dahil naman dito ay nagmosyon si Vargas na makuha ang kopya ng birth certificate ng mga anak ni Lin, pati na ang mga dokumento mula sa Ombudsman patungkol sa kaso naman ni Wei Xiong Lin o Allan Lim.

Sabi pa ng mambabatas, nakakalungkot na sa mga indibidwal na kasama sa matrix ng Pharmally na sangkot din aniya sa operasyon ng iligal na POGO ay isa sa pinakamataas na opisyal doon ay kapwa natin Pilipino. | ulat ni Kathlern Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us