Isang transport coop, aapela sa LTFRB para maihabol sa consolidation ang iba pang jeepney operator

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipagpulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transport cooperative kaugnay sa PUV Transport Modernization.

Pakikiusapan ni Alma Venoya, Presidente at Chief Executive Officer ng Shunammite Transport Cooperative, si LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na bigyan ng konsiderasyon ang mga operator na kumalas sa PISTON at MANIBELA Jeepney Transport Group, na gusto nang makibahagi sa transport modernization.

Aniya, may 25 operators mula sa dalawang grupo ang sumanib na sa kanyang kooperatiba at gusto nang magpa-consolidate ng kanilang units.

Noong Nobyembre 29, ang huling araw ng 45-day extension na ibinigay ng LTFRB para sa consolidation.

Sa huling araw ng consolidation, marami pang PUJ Operator ang humabol at nagsumite ng aplikasyon para sa acceptance ng karagdagang miyembro sa mga existing entity. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us