Gastos sa biyahe ni VP Sara Duterte noong 2023, tumaas ng 111% –COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa P42.58 milyon ang ginastos ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga biyahe noong 2023, higit doble sa P20.11 milyon na inilaan noong 2022.

Ang pagtaas na ito ay katumbas ng 111.72%, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Sa detalye ng ulat, P31.43 milyon ang inilaan para sa lokal na biyahe noong nakaraang taon na tumaas ng 68.8% mula P18.62 milyon noong 2022.

Samantala, P11.15 milyon naman ang nagastos sa foreign travel noong 2023, mas mataas ng 646.55% kumpara sa P1.49 milyon noong 2022.

Ipinaliwanag ng OVP na ang gastusin sa “Travelling Expenses – Local” ay para sa transportasyon at iba pang gastusin ng VP Sara Duterte, kasama ang kanyang staff, miyembro ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG), at iba pang kawani.

Samantala, ang mga gastos sa dayuhang biyahe ay tumutukoy sa daily subsistence allowance at iba pang gastusin para sa opisyal na mga aktibidad sa ibang bansa na dinaluhan ng Bise Presidente at kaniyang delegasyon.

Bukod sa gastos sa pagbiyahe, pinalawak din ng OVP ang bilang ng kawani nito mula 683 noong 2022 patungong 865 noong 2023.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us