Hinikayat ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Foreign Affairs (DFA), na agad na umaksyon kaugnay ng panibagong sitwasyon sa West Philippine Sea.
Ang pahayag na ito ni Estrada ay matapos mamataan ang isang russian attack submarine sa WPS.
Ayon kay Estrada, nakakabahala at nagtataas ito ng katanungan tungkol sa stability at seguridad ng ating maritime domain.
Dapat aniyang klaruhin ng ating mga awtoridad ang intensyon ng aksyon na ito.
Giniit ng senador na ang presensya ng dayuhang military assets, lalo na ang mga may offensive capabilities, ay nakapagpapataas ng banta ng hindi pagkakaunawaan at tensyon sa isa nang sensitibong rehiyon.| ulat ni Nimfa Asuncion