Pinuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang potensyal ng Pilipinas bilang sentro ng pamumuhunan sa Islamic finance sa paglulunsad ng Asian Development Bank (ADB) report.
Nagpasalamat si BSP Governor Eli M. Remolona Jr., sa suporta ng Asian Development Bank (ADB), na nagtataguyod ng isang regulatory environment na nakatutulong sa paglago ng Islamic finance sector.
Bilang bahagi ng inisyatibang ito, unang binigyan ng BSP ng lisensya ang isang rural bank para sa Islamic banking unit (IBU) noong Hunyo 2023, kasunod ng pagbibigay ng lisensya sa isang commercial bank noong Hulyo 2024.
Ang parehong IBU ay opisyal na binuksan ngayong taon, na nagmamarka ng mahalagang hakbang sa Islamic banking industry ng Pilipinas.
Binanggit naman ni BSP Deputy Governor Chuchi G. Fonacier, na dapat samantalahin ang malawak na oportunidad na iniaalok ng Islamic finance sa Pilipinas at gawin itong pundasyon ng isang inklusibong sistemang pampinansyal tungo sa pagunlad ng buhay ng mga Pilipino.| ulat ni Melany V. Reyes