Upang mapaigting ang pagsugpo sa kriminalidad sa buong Metro Manila, nanumpa ang nasa apat na raang bagong pulis upang magsilbing bagong tagapamayapa sa buong Metro Manila.
Personal na nanumpa ang mga ito kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting Regional Director Police Brigader General Anthony Aberin ang mga bagong mga pulis na magbabantay sa seguridad sa buong National Capital Region.
Aniya, ito ay malaking karagdagan bilang ng police na ipapakalat sa kalakhang Maynila.
Muli namang paalala ni Aberin sa mga bagong police na panatilihin maging tuwid sa kanilang trabaho at maging mahuting ehemplong pulis.| ulat ni AJ Ignacio