Panukala para isabatas ang AKAP program, itinutulak sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Batangas Representative Gerville Luistro ang House Bill 11048 na layong gawing isang regular na programa ng pamahalaan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Sa paraan aniyang ito, masisiguro na tuloy-tuloy ang implimentasyon ng programa gayundin ang pagpopondo nito.

Sakaling maisabatas, ipatutupad ang AKAP sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units.

Kung DSWD, maaaari makakuha ang benepisyaryo ng food, medical, funeral, o cash relief assistance.

“In cash” ibibigay kung ang halaga ay nasa ₱5,000 hanggang ₱15,000 at sa pamamagitan naman ng guarantee letter kung higit pa.

Kapag ang LGU naman ang magpapatupad, tatawagin itong rice assistance.

Ang halaga ng tulong at kalahati ng presyo ng 25 kilos ng bigas.

Pangunahing nais tulungan ng AKAP ang mga minimum wage earners o mga nasa “low income. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us