Pilipinas, umangat ang ranggo sa 2024 Global e-Participation Index

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagtaas ng pwesto ng Pilipinas sa 2024 United Nations e-Participation Index (EPI).

Batay sa EPI rankings, nasa ika-49 na ang ranggo ng Pilipinas sa taong 2024, mula sa ika-80 ranggo noong 2022.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, malinaw na testamento ito ng pag-ulad ng bansa pagdating sa Information and communication technologies (ICT).

Para sa kalihim, bunga rin ito ng mga inisyatibo sa eGovernment platforms partikular na ng eGovPH App na nagbibigay sa mga Pilipino ng access sa epektibo, transparent, at inclusive government services.

“Our eGovernment initiatives are designed to transform the way Filipinos interact with their government, eliminating red tape and fostering trust through accountability and innovation,” ani Uy.

Kasama sa mga key feature ng eGovPH App ang mas streamline na proseso sa pag-apply ng business permits at Digital National IDs.

Lumawak na rin ito sa eTravel na mayroon nang 35.6 million users; eLGU na ginagamit ng 900 LGUs, at eReport na nagbibigay-daan sa mga mamamayan para mabilis na makapag-ulat ng mga krimen, emegrency, o magbigay ng puna tungkol sa mga serbisyo ng pamahalaan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us