Nagkasundo ang Department of Agrarian Reform, Farmers Group at Partner Agencies na palakasin ang programa kontra sa kagutuman at kahirapan sa SOCSKSARGEN Region.
Isang Marketing Agreement at Memorandum Of Understanding ang nilagdaan na ng DAR-Region 12, kasama ang Bureau of Jail Management and Penology, National Nutrition Council at San Miguel Foods.
Ang kasunduang ito ay ipinatupad sa ilalim ng partnership against hunger and poverty program ng pamahalaan.
Isang inisyatiba na tumutugon sa mga problema sa seguridad sa pagkain, kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Undersecretary for Support Services Rowena Niña Taduran ,ginagamit ng mga ahensiya at institusyon ng pamahalaan ang serbsiyo ng mga Agrarian Reform Beneficiary Organizations upang matustusan sila ng mga agricultural products at mga pagkain.
Dahil na rin dito, magkaroon sila ng matatag at malaking merkado na lumilikha ng mas malaking kita para sa kanila. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR Region XII