CAAP, naglabas ng Notice to Airmen sa paligid ng Bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) hinggil sa nangyaring pagsabog ng Bulkang Taal, kaninang umaga.

Ayon sa CAAP, ang naturang NOTAM ay tatagal ng simula ngayong araw hangang pasado alas-5 ng madaling araw ng December 4.

Dagdag pa ng CAAP, ito ay upang mabigyan ng abiso ang mga pilot na iwasan na ang pagdaan sa naturang ruta at makaiwas sa ano mang disgrasya.

Muli namang siniguro ng CAAP sa publiko na patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon ng bulkan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us