Walang patid ang ginawang reach-out operations ng Pag-Abot Team ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga street dweller sa Metro Manila.
Sa ulat ng DSWD, kanilang hinihimok ang mga bata,
indibidwal at pamilyang naninirahan sa lansangan na iwan ang kalsada at maiwasan ang panganib.
Mula sa 3,544 indibidwals na huling nasagip sa lansangan karamihan sa kanila ay napauwi na sa kanilang mga lugar.
Bukod pa ang pagbigay ng social protection services na naaayon sa kanilang pangangailangan.
Kabilang sa mga serbisyong ibinibigay ay medical assistance, food support, transportation and relocation aid, livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial assistance, at transitory shelter assistance. | ulat ni Rey Ferrer