DBCC, determinadong bawasan ang fiscal deficit at itaas ang revenue collection hanggang 2028

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kayang makamit ang revenue target na ikinasa hanggang sa taong 2028.

Sa inilabas na statement ng DBCC, sinabi ng economic managers na determinado silang bawasan ang deficit o kakulangan sa pamamagitan ng long term investment, paglikha ng mas maraming trabaho, mataas na sweldo at bawasan ang poverty incidence sa bansa.

Kabilang anila sa fiscal consolidation na kanilang isinusulong ang pabilisin ang revenue efforts sa near at medium term.

Sa katunayan mula January hanggang October 2024.. tumaas na ang koleksyon sa kita ng gobyerno ng 16.8 percent o katumbas ng P3.77 trillion, at inaasahang aabot sa P4.383 trillion hanggang matapos ang taon.

Sa average, ang revenue collection ay nasa 16.5% ng gross domestic product (GDP) mula 2025 hanggang 2028, at inaasahang aabot sa P6.250 trillion hanggang matapos ang Administrasyong Marcos Jr.

Diin ng DBCC.. ang mga recalibrated legislative measure ang magpapalakas ng revenue boost ng gobyerno gaya ng isinabatas na VAT on Digital Service Act. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us