Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kawani ng pamahalaan at iba pang public servant na palakasin pa ang katapatan, malasakit, pakikipag-kapwa at bayanihan sa kanilang hanay, lalo’t ang pagkakaroon ng people-centered approach ang isa sa mga hakbang upang malabanan at matugunan ang korapsyon sa public office.
Sa ikalimang State Conference on the United Nations Convention against Corruption (UNCAC) Implementation and Review na ginanap sa Malacañang (December 3), sinabi ng Pangulo na dapat na tutukan ang pagpapaigting sa kultura ng integridad sa government service, at hindi lamang basta tutukan ang mga regulasyon o pagsunod sa mga patakaran laban sa korapsyon.
“We must shift away from merely enforcing compliance with laws, rules and regulations, to steering our people towards the practice of integrity in their daily lives,” -Pangulong Marcos Jr.
Ito ayon sa Pangulo ang porma ng transpormasyon na inaasam ng pamahalaan, na gagabay sa sistema ng pamamahala sa pamahalaan, at sa pag-uugali ng mga Pilipino sa ilalim ng bagong Pilipinas.
“Integrity that is rooted in katapatan, malasakit, pakikipag-kapwa, and bayanihan – these need to be to reinforced and sustained. This is the kind of transformation that we envision, which guides not only our systems of governance but our behaviors as citizens of this Bagong Pilipinas,” -Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, binanggit ng Pangulo ang ilan sa mga ipinatutupad na hakbang ng gobyerno upang malabanan ang korapsyon. Partikular na dito ang streamlining at digitalizing ng government process.
“By streamlining and digitalizing processes, we are improving the efficiency and fostering trust and accountability between government and the public,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan