Bilang pakikiisa sa una nang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing simple ng mga tanggapan ng gobyerno ang pagdiriwang ng kapaskuhan, ay naglabas ng kautusan ang Office of the House Secretary General.
Nakasaad sa memo ang paalala sa mga opisina at tanggapan ng Kamara na gawing payak ang selebrasyon ng Pasko bilang pakikiisa sa mga kababayan nating nasalanta ng magkakasunod na bagyo.
Hinihimok din ang mga kawani at miyembro ng kapulungan na makibahagi sa mga donation drive upang makapagpaabot ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Nitong Lunes ay pinailawan na rin ng Kamara ang higanteng Christmas tree.
Ngunit taliwas sa nakaugalian noong mga nakaraang taon na mayroon pang pa-fireworks, naging simple lang ang taunang Christmas tree lighting na dinaluhan ng mga mambabatas at empleyado ng Kamara. | ulat ni Kathleen Forbes