Resolusyong layong imbestigahan ang umano’y maling gawain ng LGUs na dine-delay at kinakaltasan ang health emergency allowance ng BHWs, inihain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagkabahala si BHW Representative Angelica Natasha Co hinggil sa ulat na kanyang natatanggap ukol sa pagkakaltas, pagka delay o naglalagay ng iba’t ibang requirements para sa pagbibigay ng health emergency allowance (HEA) ng mga barangay health worker (BHW).

Ayon sa mambabatas, kanyang inihain ang House Resolution 2106 upang maimbestigahan ang mga umano’y hindi tamang gawain ng ilang local government units (LGUs) patungkol sa HEA.

Diin ng ladysolon.. ito ay lantarang pag abuso sa pondo ng gobyerno at malinaw na isang uri ng technical malversation of public fund.

Nanawagan din ang lawmaker sa Committee on Health, na magsagawa ng public hearing upang papanagutin ang mga may kaugnyan sa mga maling gawain.

Muli rin siyang nanawagan sa Bureau of Internal Revenue, na huwag kaltasan ng withholding tax ang HEA dahil ito ay itinuturing na isang uri ng hazard pay at hindi ito taxable.

Aniya, hindi niya hahayaan ang lantarang pagnanakaw ng HEA mula sa Barangay Health Workers (BHWs). | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us