Ayaw na munang isipin ni Senador JV Ejercito ang mga political issues sa bansa at sa halip ay mas nais niyang pagtuunan na muna ng pansin ang kanilang trabaho bilang mga mambabatas.
Ito ang pahayag ng senador sa gitna ng inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ejercito, hihintayin na lang nila sa Senado kung ano ang kahihinatnan ng impeachment complaint na ito sa Kamara.
Pero kung may solusyon pa aniya para matigil ang political bickerings ay sana magawa pa ito lalo’t hindi aniya nakakatulong sa bansa ang political instability.
Para sa mambabatas, hindi nagbibigay ng magandang imahe para sa pilipinas sa international community kapag may ganitong tensyong pulitikal.
Hindi naman tiyak ni Ejercito kung may sapat pang panahon ang Kongreso para sa impeachment lalo’t magkakaroon sila ng Christmas break simula December 21 at sa Enero 13 na ang blaik ng kanilang sesyon.
Matapos naman nito ay hanggang Pebrero lang ang kanilang magiging sesyon dahil bibigyang daan naman ang 2025 elections. | ulat ni Nimfa Asuncion