Tiniyak ni Senate Committee on Accounts Chairman Senador Alan Peter Cayetano na tutuparin niya ang kanyang layunin na makapagpatayo ng isang de-kalidad na new Senate building sa pinakamababang posibleng halaga.
Ayon kay Cayetano, magsusumite siya ng komprehensibong ulat kaugnay ng konstruksyon ng new Senate building.
Pero aminado ang senador na sa ngayon ay lumalabas na ito ang pinakamahal na gusali sa bansa.
Inaasahan aniyang matatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Januaary 2025 ang mga plano para sa NSB.
Muli ring tiniyak ni Cayetano ang transparency at accountability sa buong proseso sa pasgpapatayo ng bagong gusali ng Senado.
Sa ginawang Senate plenary deliberations sa proposed 2025 budget ng DPWH nitong November, ibinahagi ni Cayetano na nakatanggap ang kanyang tanggapan ng sulat mula kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na nagsasabing ang Phase 3 ng proyekto ay posibleng matapos sa dalawa o tatlong taon, depende sa bilis ng proseso ng bidding.
Para mapababa naman ang halaga ng proyekto, ibinahagi rin ng senador na kamakailan ay nagkaroon ng intensive meeting para suriin ang mga plano sa disenyo, makakuha ng mga opinyon, magtatag ng realistic budget, at maiwasan ang pagtaas ng halaga ng proyekto. | ulat ni Nimfa Asuncion