Bureau of Immigration, pinag-aaralan nang kasuhan si dating Presidential Spox Sec. Harry Roque dahil sa iligal na paglabas nito ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinisiyasat na ngayon ng Bureau of Immigration ang posibleng pagsasampa ng kaso laban kay dating Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque dahil sa umano’y iligal na paraan ng paglabas ng bansa.

Ito’y matapos aminin ni Roque na siya ay nakaalis na ng Pilipinas kasabay ng kanyang panunumpa sa Philippine Embassy sa United Arab Emerates para sa isinumite na counter affidavit sa kasong nagdadawit sa operasyon ng POGO.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, iligal na lumabas ng bansa si Roque lalo’t wala itong record na dumaan sa Immigration.

Posibleng gumamit ng mga pekeng Immigration clearances ang dating kalihim upang tanggapin sa bansang pinuntahan.

Dahil dito, isa sa tinitingnan na ng Bureau of Immigration ay ang kasong Falsification of Public Documents lalo na’t nasa listahan si Roque ng Lookout Bulletin at kilala rin siyang tao kaya imposibleng makalusot ito sa entry at exit points na bantay sarado maging ng mga CCTV.

Base sa rekord ng BI, naitala ang huling byahe ni Roque noong Hulyo ng kasalukuyang taon matapos siyang umuwi ng Pilipinas mula sa Los Angeles.

Sa isang Zoom conference kahapon, inamin ng dating kalihim na siya ay nasa ibang bansa kasunod ng paghahain ng counter-affidavit sa reklamong Qualified Human Trafficking na isinampa sa kanya dahil sa pagkakadawit sa Lucky South 99, ang POGO na sinalakay dahil sa pag-ooperate nang iligal.

Sa ngayon, makikipag-ugnayan ang BI sa Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi kung saan ito sinasabing nanumpa para sa inihaing kontra salaysay. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us